Thu. Nov 21st, 2024

📷Maria Concepcion “Ka Concha” Araneta-Bocala

 

IBINIGAY ng Central Committee ng Communist Party of the Philippines (CPP)  ang pinakamataas na pagpupugay kina Maria Concepcion Araneta-Bocala (Ka Concha), Vicente Hinojales (Ka Hadjie/Ka Emil) at sa “August Heroes and Martyrs of Panay.”

“They are Party cadres and Red fighters of the New People’s Army who died resisting the Marcos fascist regime, defending the rights of the oppressed masses of workers and peasants, and fighting alongside the Filipino people to attain their centuries-long aspirations for genuine freedom and democracy,” ayon sa CPP sa isang kalatas.

Kinompirma ng partido ang pagkamatay nina Ka Hadjie, Ka Concha, kasama sina Aurelio B. Bosque (Ka Zarco/Baijan/Rio), Jose Jerry Tacaisan (Ka Miller/Bronze), Bemjamin Cortel (Ka Amor/Ruby/Mamang), Romulo Iturriaga Gangoso (Ka Reagan/Biboy /Pedik), Jielmor Gauranoc (Ka Doc/Tango/Baron), Juvylene Silverio (Ka Kaykay/Purang), Armando Savariz (Ka Nene/Kulot), Rewilmar Torrato (Ka Minerva/Mara/Moray) at John Paul Capio (Ka Ronron ) sa magkakasunod na armadong engkwentro sa mga tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) mula Agosto 5 hanggang 15 sa mga bayan ng Calinog at Lambunao, lalawigan ng Iloilo, at noong Agosto 24 sa Valderrama, Antique.

“They are martyrs of the broad masses of the Filipino people, and heroes of the Philippine revolution.”

Giit ng CPP, inialay nila ang kanilang buhay sa interes ng mga manggagawa, magsasaka at lahat ng demokratikong uri, sa kanilang pakikibaka laban sa lahat ng anyo ng pang-aapi at pagsasamantala sa bansa, at para makamit ang pambansa at panlipunang kalayaan.

Inamin ng CPP na ang kanilang pagkamatay ay malaking kawalan sa masa ng Panay at sambayanang Pilipino at mabigat sa kanilang puso kaya’t ipinapahayag ng Partido ang lubos na pakikiramay sa kanilang mga pamilya, sa mga rebolusyonaryong pwersa at sa mga inaapi at pinagsasamantalahang mamamayan ng Panay, at nakikihati sa kanila ng matinding kalungkutan.

“At the same time, we express our indignation at the Marcos fascist terrorist regime that continues to wage a brutal war of suppression against the Filipino people,” anang CPP.

Ipinagkaloob ng Partido ang pinakamataas na parangal kay Ka Hadjie,55, miyembro ng the Central Committee at Kalihim ng Panay Regional Party Committee.

Espesyal na pagpupugay naman ang ibinigay ng CPP kay Ka Concha, na inialay ang kanyang mahabang buhay sa rebolusyonaryong layunin.

Nagsimula si Ka Concha na magtrabaho nang full-time bilang cadre organizer noong 1972 at maliban sa pagsisilbi bilang pangunahing opisyal ng Regional Committee ng Partido sa Panay, itinalaga rin siya bilang consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa negosasyong pangkapayapaan.

“Ka Concha abandoned all the comforts and privilege of the landlord class, and joined the oppressed peasant masses and Tumandok people in their struggle for land and justice. She would have turned 74 this August 26.”

Hindi anila malilimutan ang mga kontribusyon ng “August Heroes and Martyrs” sa demokratikong rebolusyong bayan at ang kanilang mga pangalan ay habambuhay na iuukit sa sama-samang alaala ng sambayanang Pilipino.

“Their lives of revolutionary service will always serve as inspiration to the people.”

Tiniyak ng CPP na sa kabila ng mga naranasang kabiguan ay buo pa rin ang kanilang determinasyon na lumaban sa mga pang-aabuso at malupit na digmaan ng rehimeng Marcos na itinuon sa kanila.

Anang CPP, ginagamit ni Marcos Jr, ang AFP para pagsilbihan ang interes ng mga multinasyunal na korporasyon, kanilang mga lokal na malalaking burges na komprador na kasosyo sa negosyo, malalaking panginoong maylupa at burukrata kapitalista.

Habang ang mga magsasaka at mga minoryang mamamayan ay inaangkin ang lupain at itinaboy ni Marcos Jr. at ng AFP para bigyang-daan ang mga operasyon ng pagmimina, plantasyon, dam, turismo at mga proyektong pang-imprastraktura ng crony.

“No amount of state terrorism will stop the broad masses of the Filipino people from advancing their national and democratic cause. They are unwavering in their resolve to defend their rights and resist the Marcos puppet and fascist regime, the current most concentrated expression of the oppressive and exploitative ruling system,” wika ng CPP. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *