Sun. Nov 24th, 2024

WALANG nakikitang masama si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa nag-trending na selfie photo ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kasama ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Immigration (BI) matapos ipasa ng Indonesian Police sa kanila ang kustodiya sa dating alkalde.

Umani ng batikos mula sa netizens at mga politiko ang tila masama sa panlasang inasta ng mga awtoridad kasama ang isang wanted na suspek na sinundo pa sa Indonesia.

“I think this is part of the new culture. Nagpapakuha lagi ng kahit ano. Kasi ipo-post nila, Tingnan nyo oh nakasama ako sa team na nakaaresto sa ganun ganyan,” sabi ni Marcos Jr. sa isang ambush interview sa Palasyo kaugnay sa kontrobersyal na larawan.

“Ang tawag natin sa Pilipinas, we are the selfie capital of the world, di ba? Eh di nag-selfie,’ dagdag niya.

Para kay Marcos Jr, normal lang sa tao ang ngunit kapag nagpapakuha ng larawan kaya’t hindi na dapat bigyan ito ng malisya.

“Hindi mo naman mapigilan ang tao na ngumiti. So they had a selfie. I don’t think there’s much more to it than that. Nagpa-selfie sila,’ giit ng Pangulo. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *