Tue. Apr 1st, 2025

Maglulunsad ng pagkilos ang mga militanteng grupo, kabilang ang Kilusang Mayo Uno bukas, Marso 28, sa Liwasang Bonifacio hindi para batiin si detenidong dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ika-80 kaarawan kundi anila’y alalahanin ang libu-libong naging biktima ng malawakang patayan na naganap sa kanyang rehimen.

Nakasaad sa paskil ng KMU sa kanilang Facebook page,“Ang wish namin sa’yo ay long life…

…sa bilangguan!

Mga ka-manggagawa magsama-sama tayo ngayong Marso 28, 2025 sa Liwasang Bonifacio ganap na alas-3 ng hapon hindi para batiin ang mamamatay-taong si Digong, pero upang alalahanin ang libu-libuong biktima ng kaniyang rehimen.

Samahan natin ang mga kapamilya ng mga biktima ni Digong hanggang makamtan natin ang hustisya!

Magtipon-tipon tayo upang ipanawagan: CONVICT DUTERTE NOW! ARREST TOKHANG GENERALS!”

Inaantabayanan ng lahat ang napipintong paglabas ng arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) laban sa mga dating heneral ng Philippine National Police (PNP) gaya nina Sen. Ronald “Bato” dela Rosa at Oscar Albayalde, mga nagpatupad ng OPLAN Tokhang na nagresulta sa pagkasawi sa libu-libong Pinoy.

Sina Dela Rosa at Albayalde ay kapwa akusado ni Duterte sa kasong crimes against humanity of murder sa ICC. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *