Tue. Apr 1st, 2025 4:46:41 AM

IBINUYANGYANG ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na wala siyang ipinagkaiba kay detenidong dating Pangulong Rodrigo Duterte, pareho silang pasista at mapanupil na may ganap na pagwawalang bahala sa karapatang pantao at international humanitarian law.

Ang pahayag ng human rights group ay bilang tugon sa pagbasura ni Marcos Jr. sa panawagan ng national at international human rights advocates na  buwagin ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sanhi ng pagkakasangkot nito sa mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao.

“The continuing operation of the NTF ELCAC is one of the main reasons why we say that Duterte and Marcos are of the same mold – fascist and repressive with total disregard for human rights and international humanitarian law,” sabi ni Cristina Palabay, secretary general ng human rights group na Karapatan.

Giit ng Karapatan, ang pagtanggi ni Marcos Jr. sa panawagan na tanggalin na ang NTF-ELCAC, na pinapalakpakan pa ng pangulo ang mga ‘tagumpay” nito, ay nagpapakita sa kanya bilang isang presidente na ipinagbubunyi ang kanyang “war machine” dahil sapat ang ginagawang pagsugpo sa kalayaan at paglabag sa mga karapatan.

“These civil and political rights violations were committed through the NTF-ELCAC, which Marcos applauds because of its “successes.” There you have it – a president that exults his war machine because it does enough to suppress freedoms and violate rights,” ani Palabay.

Sa pagmamatigas aniya ni Marcos Jr. ay Inilantad lamang niya ang kanyang sarili bilang mapagkunwaring pangulo na ipinipinta ang sarili bilang gumagalang sa mga karapatan.

“By stubbornly refusing to heed the call of national and international human rights advocates and organizations (including UN Special Rapporteurs such as Ian Fry and Irene Khan) on the abolition of the NTF-ELCAC, Marcos further exposes himself as a hypocrite in projecting himself as a rights-respecting president,” wika ni Palabay.

Kaugnay sa 2024 year-end report ng Karapatan hinggil sa human rights situation sa bansa, iginiit ni Palabay na walang gimik ang makakapagkubli sa katotohanang si Marcos Jr. ay hindi aktwal na gumawa ng anumang pundamental na pagbabago sa mga pasistang patakaran ni Duterte na nagdulot ng napakaraming paglabag sa karapatang pantao at IHL na nagmarka sa nakaraang rehimen.

“No amount of gimmickry, however, can obscure the fact that Marcos Jr. has not actually made any fundamental changes in Duterte’s fascist policies that have engendered the myriad violations of human rights and IHL that marked the previous regime,” sabi ni Palabay.

“It is no surprise that the very same violations continue under Ferdinand Marcos Jr. Stripped of his public relations veneer, and with him constantly hearkening back to his dictator-father’s so-called legacy, Marcos Jr. has turned out to be as fascist as they come,” dagdag niya. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *