Renato Jr. Reyes | FB
Nakatakdang maghain ngayong araw ng appeal sa Office of the President ang iba’t ibang group sa pangunguna nina Bayan President Renato Reyes,Jr. at mga Makabayan senatorial candidates na sina Jerome Adonis ng KMU, Mody Floranda ng PISTON at Mimi Doringo ng Kadamay. Kasama din sina Mhing Gomez ng Anakbayan at Nanoy Rafael ng PARA commuter group.
Ang Notice of Appeal at Memorandum on Appeal ay ihahain sa Office of the President upang baligtarin nito ang naunang kautusan ng DoTr na nagbibigay ng fare hike na P5.00 sa LRT1 operator na LRMC. Ang Pangulo ang may awtoridad para ihinto ang fare increase.
Nakatakdang tumaas ang pasahe ngayong April 2. Panibagong pabigat ito sa mga commuters.
Ayon sa privatization contract ng Gobyerno at LRMC na pinasok noong 2014, maaaring humingi ng 10.25% fare increase and LRMC kada 2 taon at kapag ito ay hindi naaprubahan ay kailangan silang bayaran ng gobyerno. Labis na disbentahe ito sa gobyerno at sa mga commuters.
Hiling ng mga grupo na ihinto ang April 2 implementation ng fare hike, ipag-utos sa DoTr na isapubliko ang naging batayan sa pagtataas ng pasahe at repasuhin at ibasura ang disbentaheng concession agreement sa LRMC.
Na kay Marcos Jr na ngayon ang pasya kung magtutuloy ang fare hike o hindi sa April 2.#