Mon. Apr 7th, 2025

HINDI ‘bahag ang buntot’ ni Senate President Francis “Chiz” Escudero kaya ipinaubaya sa Senate legal department ang pagbusisi sa kahilingan ni Sen. Imee Marcos na pagpapalabas ng subpoena laban sa mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. para dumalo sa pagdinig kaugnay sa pagdakip kay ex-Pres. Rodrigo Duterte.

Bago ihirit ni Marcos kay Escudero na i-subpoena ang mga ilang miyembro ng gabinete ni Marcos Jr. ay tatlong beses siyang nakatanggap ng liham kay Executive Secretary Lucas Bersamin at isa sa nakasaad rito ay ang paggiit sa executive privilege kaya’t hindi makadadalo ang mga opisyal upang sumagot sa usapin ng pagdakip kay dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso 11.

Nilangaw ang ikalawang pagdinig ng Senate Committee on Foreign Relations na pinamumunuan ni Marcos kahapon matapos utusan ni Bersamin ang mga opisyal na huwag dumalo sa hearing bunsod ng executive privilege.

Sa isang pulong balitaan, nilinaw ni Escudero na hindi sa tumatanggi o natatakot siyang magpalabas ng subpoena subalit dapat lahat ay naayon sa itinatadhana ng Saligang Batas.

Kung ano aniya ang magiging pasya ng Senate legal team ay ihahayag niya sa publiko lalo na’t hindi naman maaring gamitin ang pagiging malaya o kahilingan ng isang senador sa mabilisang paraan o saglit na desisyun lamang.

Ayon kay Escudero maigi nang mapag-aralan lahat muna bago siya gumawa ng isang hakbang.

Ipinunto ng Senate President na minsan na rin nagbigay ng pananaw ang Korte Suprema sa isyu ng executive privilege. (NINO ACLAN)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *