Mon. Apr 7th, 2025

MALABONG gawaran ng interim release ng International Criminal Court (ICC) si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil mabigat ang kasong kinakaharap niya bukod pa sa maituturing siyang ‘flight risk.”

“The chances of the ICC granting former Pres. Duterte’s application for interim release is very dim, considering that he is a flight risk because the charges against him are serious and the evidence is strong,” sabi ni dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares sa isang kalatas.

Ang pahayag ni Colmenares ay bilang tugon sa sinabi ng abogado ni Duterte na si Nicholas Kaufman na tinatrabaho niya ang masungkit ang ICC interim release para sa kanyang kliyente.

Binigyan diin niya na si Duterte ay makapangyarihan at maraming kuwartang pantustos para takasan ang kanyang pananagutan sa batas kapag pinalaya.

Inihalimbawa ni Colmenares ang pagpunta ni Duterte sa Hong Kong kamakailan at maaari aniyang magtago ito sa China para matakasan ang hurisdiksyon ng ICC.

“In fact, he could easily travel, as shown by his recent trip to Hong Kong, where he may seek haven in China, which will practically make him beyond the reach of the ICC,” ani Colmenares.

Nagbabala siya na ang paglaya ni Duterte ay maglalagay sa panganib sa mga testigo at mga pamilya ng mga biktima.

Kung may malasakit aniya ang ICC sa karapatan ng mga akusado, gayundin sa kaligtasan ng mga biktima, testigo at kanilang mga pamilya.

“The charges against him (Duterte) are one of the most heinous crimes against humanity for the killing of thousands, and it is almost impossible for the ICC to grant his interim release,” giit niya.

Itinakda ng ICC Pre-Trial Chamber ang confirmation of charges laban kay Duterte sa Setyembre 23, 2025. (ROSE NOVENARIO)

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *