Sat. Apr 5th, 2025

📷Camarines Sur 2nd District Rep. LRay Villafuerte | FB

 

Kapos nga kaya sa kaalaman ang mga botante kaya madalas nagkakamali sa pagpili ng kandidatong iboboto?

Bukod sa edukasyon, magandang track record sa serbisyo publiko, pagmamalasakit sa bayan, mahalaga rin ang pagpapahalaga sa moralidad ng isang politiko dahil ito ang magiging tuntungan ng kanyang mabuting pamamahala.

Umabot na sa 675,000 views ang ipinaskil na video ng Bombo Radyo Davao FB page noong Marso 7, 2025 na nagpakita ng malalaswang biro ni Camarines Sur 2nd District Rep. LRay Villafuerte sa isang pagtitipon sa hindi binanggit na paaralan sa bayan ng Nabua.

Umani ng batikos mula sa netizens ang tila kuwestiyonableng estado ng pag-iisip ni Villafuerte ng mga sandalling iyon.

“I don’t like your jokes sir. It’s inappropriate especially infront of minors. This is not the right venue.”

“ganito na ba klase mga lider ng bansa”

“sabog cguro to”

“Bangag nga ito…..kung ano ano pinagsasasabi….nkakahiya….”

“bastos nga Ang mga salita PranG nkadrugs”

“walang plataporma kundi pakikipag away Kong ako na sasakupan niyan never ko e eboboto yam”

“The place isn’t good for such rough jokes! Especially it’s school and he’s in public.”

Matatandaan noong Pebrero 2025 ay humakot din ng kritisismo si Villafuerte nang inakusahan niyang “fake” at “biased” ang isinagawang 2025 Midterm Elections Preference Polls ng TheSPARK—ang opisyal na community publication ng Camarines Sur Polytechnic Colleges (CSPC).

Batay sa ulat ng TheSPARK, “Reforma’s Rodriguez earned almost half of the 498 votes at 43%, while Team One’s Villafuerte got 30%, meaning that the remaining one in every four CSPCeans is still undecided on who to vote for governor, as of the first week of December.”

Pinagbintangan ni Villafuerte na nagpapagamit ang associate editor ng campus publication na si Fernan Enimendez sa mga taong wala namang pagmamahal sa CSPC, Nabua, at buong Camarines Sur.

Sinuportahan ng ilang grupo at personalidad ang The Spark laban sa anila’y pambu-bully ni Villafuerte.

Nauna rito’y binatikos din si Villafuerte sa viral photo na pinagkakaguluhan habang nakasakay sa rubber boat at namahagi ng cash sa mga nakalubog sa mga residenteng nakalubog sa baha dulot ng Typhoon Kristine noong Oktubre 2024.

Si Villafuerte ay kandidato sa pagka-gobernador ng Camarines Sur sa 2025 midterm elections.

Mula siya sa Villafuerte political dynasty na ilang dekada nang nanunungkulan sa lalawigan. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *