Mon. Sep 16th, 2024

GUSTONG marinig ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang salaysay ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kung paano siya yumaman.

“Marami pa siyang sasagutin. Paano siya yumaman ng ganyan, bakit ang dami dami niyang pera?’ sabi ni Marcos Jr. sa isang ambush interview sa Palasyo hinggil sa pagbalik sa bans ani Guo.

“Paano siya naging mayor na hindi naman siya kilala ng taga roon?” aniya.

Kailangan maipaliwanag din ni Guo kung paano naging isang malaking ‘criminal enterprise” ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Binigyan diin ni Marcos Jr. na napakahirap paniwalaan ang paghuhugas-kamay ni Guo sa ni-raid na POGO hub sa Bamban gayong siya ang alkalde ng bayan at ilang daang metro lang ang layo nito sa munisipyo at napakalaki ng operasyon nito at may illegal activities pa.

“What I want to hear from her , for her to lay out how exactly how these POGOs became such basically a large criminal enterprise and as mayor she said she did not know this is going on is very difficult to believe because as a former local government executive, it seems impossible that an operation that is what, a few hundred meters from my own office, hindi ko alam ang nangyayari roon, illegal, ganoon kalaki na operations?” ani Marcos Jr.

“Sana maipaliwanag niya kung bakit hindi niya alam. Paanong bilang isang mayor ay hindi mo alam ang nangyayari sa bayan niya na ganoon kalaking problema?” giit niya.

Umaasa ang Pangulo na mas magiging maayos ang sagot ni Guo kaysa kanyang mga kasapakat na sina Cassandra Li Ong at Shiela Guo na naunang nadakip sa Indonesia at ilang beses nang sumalang sa imbestigasyon ng Senado at Mababang Kapulungan.

“All of these things, there are many.These questions have already been asked by both the House and the Senate. I just hope she answers it better than her cohorts, sina Cassandra Ong at Shiela Guo very evasive makasagot,” anang Pangulo.

Tiniyak ng Pangulo na lalong bibigat ang problema ni Guo kapag hindi niya isiniwalat ang katotohanan.

“Sana naman mabuti-buti ang sagot ni Alice Guo as compared doon sa mga kasamahan niya because it will not help her at all to be evasive.  Mas bibigat ang magiging problema niya kung hindi siya magsabi ng totoo.” (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *