Sun. Nov 24th, 2024

NAGALAK ang Campaign Against the Return of the Marcoses and Martial Law (CARMMA) sa naging desisyon ng Supreme Court na nagdeklarang ill-gotten wealth ang isang property ng pamilya Marcos sa Paoay, Ilocos Norte.

“This decision is significant because this would be, as far as we know, the first ruling on Marcos’ illegal wealth under the presidency of the son, Ferdinand Marcos Jr., who has repeatedly denied that his family amassed millions worth of wealth during the Marcos Sr. dictatorship.,” sabi ng CARMMA sa isang kalatas.

Batay sa pasya ng SC, ang pag-angkin ng mga Marcos sa isang public land habang nasa poder ay patunay kung paano ginamit ang kanilang kapangyarihan para magpayaman.

Giit ng CARMMA, ang desisyon na lumabas ilang linggo bago gunitain ang deklarasyon ni Marcos Sr. ng batas militar noong 21 Setyembre 1972,  isang pangyayaring nagbigay-daan sa mga Marcos na manatili sa kapangyarihan sa loob ng 14 na taon, at dambongin ang yaman ng bansa , ay nagpapaalala sa mga Pinoy na ang laban para sa hustisya at pagpapanagot at ang pakikibaka laban sa pagbaluktot sa kasaysayan at kawalan ng parusa sa mga naggkasa ay malayong matapos.

Umaasa ang grupo na mas marami pang Marcos ill-gotten wealth ang mabawi at mapabulaanan ang mga kasinungalingan at disimpormasyon sa tinaguriang ginintuang taon ni Marcos.

Kinondena rin ng CARMMA ang patuloy na paglabag sa karapatang pantao gaya ng mga insidente ng pagdukot, pambobomba sa mga pamayanan sa kanayunan, at censorship sa mga pelikula dahil sa paninindigan sa politika.

Inaasahan ng CARMMA na mabawi pa mula sa mga Marcos ang mas maraming dinambong na pera ng bayan at gamitin ito para sa libreng serbisyong pangkalusugan, pabahay, edukasyon at iba pang serbisyong panlipunan.

“As in the past years, CARMMA remains firm in its demand for an end to impunity and for justice.” (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *