Thu. Jun 18th, 2026

Nanginginig na raw sa pangitain na maghimas ng rehas na bakal ang isang dating mambabatas na dawit sa maanomalyang flood control projects kaya’t nagbabalak nang sumibat ng bansa.

“Naghahanap na raw si Cong ng mahusay na immigration lawyers sa ibang bansa para ipagtanggol siya sakaling magtagumpay siyang makalusot palabas ng Philippines,” lahad ng Las Chismosas member sa Intramuros.

Sa laki raw ng kickback sa flood control projects ni Cong ay nakahanda siyang gumasta mawala lang siyang parang bula sa Pilipinas nating mahal.

Naging kaklase rin pala siya ng ilang mambabatas sa pork barrel scam ngunit gaya ni Sexy ay naabsuwelto.

CLUE:

Dahil sa kanyang beauty, isang pamosong ally raw ng administrasyong Duterte ang nahulog sa kanyang alindog kaya nakasungkit siya ng posisyon sa panahon ni Digong sa Palasyo.

“Isa si Cong sa puwedeng dumiretso lang sa opisina ng Duterte ally at bawal harangin ng mga staff,” chika naman ng miron.

Ngunit gaya ng ipinagmamalaking ganda ni Cong ay humulas na rin ang appeal niya sa kanyang constituents kaya natalo siya sa eleksyon noong 2025.

Katunog ng inisyal ng pangalan ni Cong ang isang sikat na unibersidad sa National Capital Region.

‘Yun na!

By admin