Ibinunyag ni dating DPWH Secretary Manuel Bonoan sa Sandiganbayan na si noo’y Senate President Miguel Zubiri ang nagtakda ng ₱500 milyon hanggang ₱1 bilyon na tinaguriang “leadership funds” para sa mga senador noong 2025.
Ayon kay Bonoan, lahat ng senador ay humiling ng naturang pondo mula sa DPWH, maliban kay Panfilo Lacson na kalaunan ay nanawagan na buwagin ito bilang bagong anyo ng pork barrel.
Dagdag pa ni Bonoan, nagsumite rin ng listahan ng mga proyekto si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo para kina Senador Bong Go at Robin Padilla, bukod kina Bong Revilla at Jinggoy Estrada.
Ang mga proyekto ay umano’y pinondohan mula sa leadership fund, na isiniwalat sa paglilitis ng kasong malversation ni Revilla.
Nang tanungin ni Associate Justice Ronald Moreno kung kabilang si Lacson sa mga nag-request, nilinaw ni Bonoan na hindi na kasapi ng Senado si Lacson nang gawin ang mga kahilingan.”# ( ROSE NOVENARIO)