PINAYUHAN ni Department of Health (DOH) secretary at ngayo’y Iloilo 1st district Rep. Janette Garin ang mga Pinay na huwag nagsuot ng panty kapag nasa bahay lang ngayon panahon ng tag-init.
“Lalo na sa tag-init–wala lang malisya no–pero kung nasa bahay ka lang naman or matutulog, it’s quite advisable na walang underwear pero nakapajama ka naman or naka-shorts,” aniya sa isang press conference ngayong araw.
“Yung ventilation na yan ay epektibo para mapigilan or hindi na lumala yung fungal infection,” dagdag niya.
Madali aniyang magkaroon ng fungal infection ang maselang bahagi ng katawan ng babae kapag summer dahil pinapawisan at nangangati.
“So hindi yan sexually-transmitted disease.Yan ay dala na yung normal flora sa intimate area, sa pubic area, sa perineal area ng babae. Kapag medyo basa, napapawisan, at medyo mainit yung panahon, eh yan ay perfect petri dish para dumami yung ating fungi…Kaya siya nagiging makati,” paliwanag niya.
“So the more you scratch, the more you will itch. Wag siyang kamutin. At hindi siya nakakahawa ano. Yung iba akala nila sexually-transmitted. No, it’s not.
“Ang importante doon ay may gamot naman yan , but you have to keep that area dry,” dagdag niya. (ZIA LUNA)