Sun. Oct 6th, 2024
Commodore Jay Tarriela

BAWAL mapikon ang mga kagawad ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga agresibong hakbang ng China sa West Philippine Sea (WPS), ayon kay Commodore Jay Tarriela ng West Philippine Sea Transparency Office ng PCG.

Giit ni Tarriela, balewala sa kanila ang mga kritisismo ng publiko dahil may chain of command silang sinusunod.

Ang direktiba aniya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa PCG ay hindi dapat mapikon sa China at hindi pagmulan ng paglala ng tensyon ang Pilipinas upang walang maidahilan ang Beijing na itaas ang antas ng kanilang pananalakay.

Tulad ng sentimyento ng mayorya ng mga Pinoy, naiinis din aniya ang PCG sa ginagawang pambu-bully ng China Coast Guard ngunit kailangan nilang panatilihin ang propesyonalismo at sumunod sa Commander-in-Chief, sa National Task Force-West Philippine Sea, at sa National Security Adviser.

Para kay Tarriela, hindi makatuwiran na bansagang duwag ang mga miyembro ng PCG dahil ginagawa lamang nila ang “patriotic duty.”

Umabot sa dalawang milyong piso ang pinsala sa BRP Datu Bankaw ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources nang bombahin ito ng tubig ng China Coast Guard noong Martes, 30 Abril. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *