Sun. Oct 6th, 2024

TILA pambura ang epekto ng kanyang papa sa buhay ng isang kilalang opisyal ng gobyerno na itago natin sa bansag na “Boy Peluka.”

“Kapag katabi ‘nya sa kama ang kanyang Papa, nawiwindang ang mundo ni Boy Peluka at parang binubura ang kanyang memorya,” natatawang sabi ng Chismosa sa EDSA.

May mga commitment daw kasi si Boy Peluka na kahit kumbaga ay itinaga na sa bato ang mga detalye, nakakalimutan pa niya dahil busy sa paglalambing ng kanyang Papa.

Napasama raw itong si Boy Pelikula sa isang foreign trip ng Bossing ng Bayan Mo kamakailan at para hindi malumbay, kinaray niya ang kanyang Papa.

Ngunit ang imahe niya bilang bida-bidang opisyal ng pamahalaan ay nalambungan ng pagdududa nang bigla niyang nakalimutan na isasalang pala siya sa panayam ng isang media outfit.

Ang OPRAH (Oh Promise Me) daw niya sa kausap na taga-media ay tawagan lamang siya at kesehodang kahit baliktad ang oras ng bansang kanyang kinaroroonan, sasagutin niya ang tawag at magbibigay pa ng mga ebidensya sa topic na kanilang pag-uusapan.

“Nang tawagan si Boy Peluka ng production assistant ng programa, sinagot naman kaya lang ay may kasamang ungol at may background ng boses ng kanyang Papa,”  sabi ng sidekick ng Chismosa sa EDSA.

Nang malaman daw ni Boy Peluka na phone patch ito para sa isang programa ay nagalit at habang nasa ere ay sinermunan ang anchor kung bakit-ora-orada ang interview sa kanya.

“Wow ha, may ebidensya na nag-confirm siya for an interview at may ise-send pa raw siyang ebidensya sa isyung tatalakayin,” sabat naman ng maton sa gym.

CLUE:

Magaling raw na “performer” si Boy Peluka at super sipsip sa nakaraang administrasyon kaya marami ang nagtaka kung bakit nabigyan siya ng posisyon ngayong la-wa na ang UniTeam.

Mas type daw ni Boy Peluka ang artificial hair kaysa Artificial Intelligence.

‘Yun na!

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *