Sun. Oct 6th, 2024

Nai-intriga ngayon sina Tom Rodriguez at ang model na si Clint Bondad!

Lumutang ang isyu na ito sa pagitan ng dalawa nang napansin ng mga netizen na bukod tanging si Rodriguez ang fina-follow ni Bondad sa Instagram account nito

Lumikot tuloy ang imahinasyon ng mga netizen kung anu-anong ispekulasyon nila.

Pero parehong walang reaksiyon ang dalawa tungkol sa usaping ito.

Si Clint ay ex-boyfriend ni 2018 Miss Universe Catriona Gray at na-link din sa owner ng Miss Universe Organization na si Anne Jakrajutatip.

Si Tom naman  sa panayam sa kanya ni Kuya Boy Abunda sa “Fast Talk With Kuya Boy,” sinabi niyang may nagpapatibok sa kanyang puso ngayon, pero manabuting isinipribado niya ito.

=00-

Aktor, Binawian ng Kotse ng  Gay Lover

Nagtagal din ang relasyon ng aktor at ng kanyang gay lover at naghiwalay dahil lang sa kotse. Kaloka.

Paano ba nangyari ‘yun?

Humirit kasi ng kotse ang aktor sa gay lover, at isang mamahaling brand na kotse ito.

Pero ang nangyari ay ibang kotse ang binigay nito. Natural,’ di ito nangustuhan ng aktor, in short, ‘di tinupad ng bading ang napag-usapan nila ng aktor. Kung anu-ano na ang mga sinabi ng aktor hanggang nagka-initan sila,

Ending, naghiwalay ang dalawa at binawi agad ng bading ang kotse,

‘Yun na!

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *