Sun. Oct 6th, 2024

BINALIAN ng pakpak ang isang opisyal sa ahensya sa Intramuros pati ang kanyang julalay na ang bisyo ay umibig.

“Lover Boy ang peg ng BI exec at sa laki ng kanyang pangangailangan para sustentuhan ang kanyang chiching, luhaan ang mga may transaksyon sa kanyang tanggapan,” sabi ng Primera Chismosa sa Intramuros.

Hindi raw halata na may lahing mandurugas si Lover Boy dahil ang kanyang tirador ay ang julalay,na kilala bilang si Lady Gaga, ang mismong nanghihingi ng datung sa mga kliyente ng ahensya para ibigay sa kanyang bossing.

Pero hindi raw umubra ang talas ng mag-amo sa isang travel agent na tinangka nilang kikilan ng 200k para sa ‘cards’ na for release na.

“Pinalabas ni Lady Gaga na for approval pa ang cards kaya kailangan sumuka ng 200k ang travel agent,” sabat ng tambay sa Intramuros.

Lingid sa kaalaman ng mag-among Lover Boy at Lady Gaga, pamangkin pala ng isang solon ang travel agent kaya agad nagsumbong sa kanyang Tito.

Umusok ang ilong ng solon sa galit sa isinuplong ng kanyang niece kaya’t agad na tinawagan ang bossing sa Intramuros.

Mabilis pa sa alas-kuwatro na ipinatawag si Lover Boy ng bossing ng Intra at hindi lang sermon ang inabot niya, binawasan ng husto ang kapangyarihan ng kanyang opisina.

“Takot lang ng Bossing ng Intra na hindi aksyonan agad ang reklamo ng solon eh ito ang padrino niya sa puwesto. Kesehodang pekeng Ombudsman clearance ang isinumite niya sa tanggapan ng Bossing ng Bayan Mo, naluklok pa rin siya sa Intramuros,” lahad ng Primera Chismosa sa Intramuros.

Pero hindi raw dapat maging kampante ang solon at bossing sa Intra, ang katiting na kapangyarihan na hawak ng mag-among Lover Boy at Lady Gaga ay nako-convert pa rin nila sa cash sa tulong ni Madam E as in ewan ang kasarian.

CLUE:

Si Lover Boy ay dead na dead as in patay na patay sa girlash na ang surname ay katunog ng isang sikat na gambling lord.

Tila walang kupas naman ang alindog ni Lady Gaga at masahol pa sa helicopter ang peg sa kumalat na sex video with her boyfriend.

Alam kaya ng solon na napapaikutan ng mag-among ito ang kanyang ipinuwesto?

“Ewan ko lang. MaLIBAN na lang kung engot ang kanyang mga espiya sa Intramuros,” pasmid na pahayag ng miron.

‘Yun na!

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *