Sat. Nov 23rd, 2024

📷Gerardo dela Pena

HINILING ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagpapalaya kay Gerardo “Gerry” Dela Pena, 85-anyos, na 12 taon nang nakabilanggo mula madakip noong 21 Marso 2013.

Batay sa mga ulat, nahatulan ng 20 hanggang 40 taong pagkabilanggo si Dela Pena sa kasong murder noong 2014 dahil sa pagbaril sa kanyang pamangkin.

Bago naaresto, nagsilbi si Dela Pena bilang pinuno ng Samahan ng Ex-Detainees Laban sa Detensyon at Aresto at naging miyembro ng human rights group Karapatan.

May mga alegasyon na si Dela Pena ay kasapi ng New People’s Army (NPA) na mariin niyang itinanggi.

“It must be remembered that Dela Peña is already entitled for release after being qualified for executive clemency, including other political prisoners and persons deprived of liberty (PDLs),” anang CHR sa isang kalatas.

Anang CHR, ang pagpapalaya kay Dela Pena ay alinsunod sa Resolution No. OT-08-02-2023 ng Board of Pardons and Parole na nagbibigay kalayaan sa mga detenido ng na may edad 70-anyos na napagsilbihan na ang 10 taon ng kanyang sentensya.

Sa naturang Resolution ay binibigyan din ng konsiderasyon ang mga may terminal illness o serious disability.

Binigyan diin ng CHR, na nakakulong na si Dela Pena ng halos 12 taon, hindi pa kasama ang total good conduct time allowance credits na nakuha niya habang nakapiit.

Sa mahigit isang dekadang pagkabilanggo ni Dela Pena, humina na ang pangangatawan niya, partikular ang kanyang paningin at pandinig.

Giit ng CHR, kailanganay pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang mga pagsusumikap na maging makatao ang correctional system sa bansa, at pangangailangan ng mga nakatatanda at may sakit na detenido na nakapiit sa mga siksikang bilangguna, na nagiging sanhi ng paglala ng kanilang kalagayan.

Maliban kay Dela Peña, nanawagan din ang CHR na palayain ang mga detenido na nagpakita ng kagandahang asal at nakamit ang mga legal na pamantayan para sa executive clemency.

Anang HR, ang naturang pagsusumikap ay hindi lamang makatutulong sa pamahalaan na nais maging maluwag ang mga bilangguan , bagkus ito’y magiging hudyat ng hakbang tungo sa pagpasa sa National Preventive Mechanism bill alinsunod sa Optional Protocol to the Convention Against Torture and Other Cruel, Inhuman, or Degrading Treatment or Punishment, it said.

“It is committed to its Constitutional mandate on protecting, promoting, and fulfilling the rights of all, including those in places of detention,” sabi ng CHR.

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *