ππ§ππππ ππ‘π π£πππ£π¨π§π’π π‘π π ππ π ππ§ππ§ππ‘πππ‘π π£π¨π‘π’ π¦π π ππ₯ππ‘ππ¨π€π¨π!
SIGN THE PETITION NOW!
Let’s Do this Marinduque.
Di kakasalita ang mga puno pero kita kakapirma at kakadaldal.
(Click the link, Sign, Share, Tag everyone)
SA DPWH, DENR, at sa Lahat ng Lokal na Pamahalaan ng Lalawigan ng Marinduque,
Kami po ay may hiling.
Hiling na sa panahon na ang climate change ay nagdulot ng pambihirang heat index na naabot sa 5O degrees sa maraming lugar sa Pilipinas, ay kami ay nabibiyayaan ng mga puno na silong sa nagbabagang init ng araw at proteksyon sa baha tuwing may bagyong nagabadya,
Na sa pagdaan sa mga kalsada na di naman napupuno ng sasakyan ay nakakalanghap pa kami ng sariwang hangin sa daan,
Na ang luntiang kulay ng paligid ay nagpapakalma at nagpapaginhawa ng pakiramdam sa aming probinsya.
Pero ilang linggo na namin nakikita ang mga pulang marka sa mga punong mas matanda pa sa aing mga lolo at lola. Tanda na malapit na silang tapyasin para sa pagpapalawak ng kalsada na hindi naman mas mahalaga pa sa kumakalam na sikmura at kawalang kita.
Ano baga ang kasalanan ng mga puno at bakit sila lagi ang nasasakripisyo para sa βkonseptoβ ng βpag-unladβ.
Kaya ito ang aming hiling na sana ay bigyan ng pansin at mapagusapang maigi.
1.Humihiling kami sa mga kinauukulan na HUWAG putulin ang mga puno na may dekada at siglong gulang sa mga kalsada ng Marinduque para sa pagpapalawak ng kalsada.
2.Pansamantalang pagtigil sa pagputol ng mga puno at pagpapalawak ng kalsada sa buong isla ng Marinduque hanggang sa makahanap ng paraan kung paano malilipat o mapoproteksyunan ang mga punong ito.
- Sa halip na putulin ang mga puno, nananawagan kami sa mga ahensya ng pamahalaan at iba’t ibang sektor na hanapan ng alternatibong solusyon, tulad ng paglilipat o pag-aayos ng mga ito, para mapanatili ang kalikasan at kagandahan ng ating kapaligiran.Kung nagagawa sa ibang bansa ay hindi naman siguro kalabisan na magawan ng paraan para maisalba ang mga puno.
- Magkaroon ng maayos na paguusap para makahanap ng mas mainam na program para sa tunay na kaunlaran ng lalawigan ng Marinduque
Hindi naman namin inapigilan ang pagunlad. Di rin naman naming nais na tayo ay umurong imbes na sumulong. Ang hiling laang namin ay ayusin ang prioridad natin sa kung ano ang pwede natin isakripisyo at ano ang hindi. At sa panahon ng kailangan kailangan natin ang mga puno sana wag naman natin itong isa walang bahala. Hindi po nakakapagsalita ang mga puno pero kung sila ay nakakahiyaw malamang ang kanilang hiyaw, ” Nasa huli ang pagsisisi Marinduque.” Dahil kung ang usapin ay turismo at agriklutura parehong industriya yan na mas mainam na buhay at nakatayo ang naggagandahang mga puno natin kaysa nagbabagang daanan ng mga sasakyan.
Hiling naming ang inyong tulong. Umaasa kami ng iyong pagunawa. Hinihingi naming ang inyong boses at aksyon. Nabiktima na kami ng nakakasulasok na mina. Wag nyo na hayaan na maging biktima pa ang napaka liit at napaka bulnerableng ecosystem ng Marinduque ng patuloy na at walang tuos na pagputol ng mga matatandang puno para laang sa idea na maunlad ang malawak na kalsada. Dahil hindi yan ang batayan.
Lubos na Gumagalang,
KAMI ANG MARINDUQUE