Thu. Nov 21st, 2024

BUMABAHA raw ang kuwarta sa kampo ng isang mambabatas bilang paghahanda sa desperadong pangungunyapit ng kanilang political dynasty sa isang lungsod sa Metro Manila.

“Ginagawa niyang mistulang travel agency ang City Hall, pinagbibiyahe ng libre ang mga kakampi sa ibang bansa. Sagot ni Solon ang lahat ng gastos, mula plane ticket, hotel, at ultimo panlaro sa casino, binibigyan niya ang kanyang mga kampon,” nasusurang kuwento ng Chismosa sa Monumento.

Ang nakakasuka pa raw sa isyung ito ay ultimo ilan sa mga naka-abito at lider ng mga nagsusulat sa pisara, sarap na sarap sa libreng biyahe at ipinagmamalaki pa sa social media.

“May balon ba ng pera ang kanyang pamilya?” usisa ng vendor ng yosi.

Kung paghuhugutan daw ng pera ang pag-uusapan, walang kuwestiyon na talagang sagana ang political dynasty ni Solon.

Lahat ng “lord” sa kanilang siyudad, source ng solon at kinausap na niya para suportahan ang pinakamabigat na laban sa political career ng kanilang pamilya.

May ilang linggo na kasi ang nakalipas ay binisita ng solon ang Bossing ng Bayan Mo para sana sungkitin ang suporta sa kinakaharap na “krisis” sa politika sa 2025.

“Laglag-balikat si Solon at balisa matapos ang kanilang pag-uusap. Tinanong raw kasi siya ng Bossing ng Bayan Mo kung kaya niyang talunin ang katunggaling Tindig Labuyo sa 2025,” kuwento ng Chismosa sa Monumento.

Malutong na “OO” raw ang tugon ni Solon at laking gulat niya sa matalinhagang sagot ng Bossing ng Bayan Mo,” Susuportahan ko siya, kaya mo palang talunin.”

Mula ng araw na iyon, tila tulirong trumpo na ang kanyang angkan sa pangangalap ng kuwarta sa kanilang mga financier sa mahigit isang dekada nila sa puwesto.

Dahil hindi lang napuno muli ang kanyang “precious vault” at nadagdagan pa, ang dialogue na niya ngayon sa mga kakampi,”Kaya kong talunin si Tindig Labuyo, wala naman pera ‘yan.”

CLUE:

Bagong tina ang buhok ni Solon para magmukhang fresh at hindi halatang aburido, lalo na’t may malaking party siyang pinaghahandaan.

Habang ang anak niya na “rape suspect” na kasing liit ng paslit sa elementary school, iniwasan muna ang pagsusuot ng “Fendi” mula mabisto ang paboritong tatak.

Hindi alintana ng mag-amang ito ang igsi ng kanilang mga braso sa pagdukot sa napakalalim na balon ng kanilang kuwarta, lalo na kapag pantaya sa casino ang pag-uusapan.

“Kalmado na ba si Mayora sa paglalaro niya sa casino sa OKADA?,” tanong ng isang miron.

‘Yun na!

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *