Fri. Jun 28th, 2024

SA likod nang pagmamaganda ng isang public relations expert ay may maitim na lihim palang itinatago sa kanyang pagkatao.

“Ano ‘yun?” sabay-sabay na tili ng mga Chismosa sa Presinto 5.

Mukha kasi siyang ipinaglihi sa La Traidora ng kanyang ina kaya naman kinalkal ng mga paborito niyang laitin ang kanyang “Lihim ng Guadalupe.”

“Ang hitad pala ay minsan na- Julie Vega ng mga parak na nakaluhod sa loob ng kanyang sasakyan. Pero ang siste, hindi pala siya nagdarasal kundi tila poon na “kinakantahan” ang kasama, gamit ang personal na mikropono ng hombre,” natatawang kuwento ng lider ng Chismosa sa Presinto 5.

Bukod sa nasilaw sa flashlight ng mga unipormado, nayanig si PR expert at ang kasamang hombre, sa lakas ng katok ng mga Sir sa kotse nila.

Hindi pa kasi uso noon na binabasahan ng lespu ng Miranda Rights ang mga arestadong suspect kaya nataranta to the max ang PR expert sa super nakahihiyang sitwasyon na kinasadlakan niya ng gabing iyon.

Ang ending, likas palang mapagpatawad ang mga Sir at nadaan sila sa pakiusap kaya’t nakaligtas sa paghihimas ng malamig na rehas ang PR expert at ang kasamang hombre, hindi pa nalagay sa peryodiko at nabalita sa radio at telebisyon ang kanilang kaso.

Ngunit hindi pala ito naging leksyon kay PR expert at sa halip na baguhin ang napakasamang asal, lalo pa raw naging dragona sa kanyang mga kasamahan at ginawang libangan ang paghagupit sa kanila nang panlalait.

Gumagamit pa raw ito ng “itim na mahika” laban sa mga taong kinaiinggitan niya, kesehodang may katabi siyang voodoo doll sa kama.

CLUE:

Guwaping si PR expert, sa katunayan, kakain ng alikabok ang ilang male starlet sa showbiz kung hitsura ang pag-uusapan.

Pero sa kabila nito’y napaka-insekyora niya at walang habas kung yurakan ang pagkatao ng mga kasalamuha sa trabaho.

“Ayaw ni Sarah G ng may attitude problem,” sigaw ng isang miron.

‘Yun na!

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *