TATLONG Pinoy na nakabase sa Kuwait ang nasawi sa naganap na sunog sa isang gusali sa Kuwait City, ayon kay Department of Migrant Workers Chief Hans Cacdac.
“The three, who died from smoke inhalation, were part of a group of 11 OFWs, all working for the same Kuwaiti construction company housed in the building that caught fire,” sabi ni Cacdac sa isang kalatas.
“Two other OFWs remain in the hospital and are in critical condition, while the remaining six are all safe and unharmed,” dagdag niya.
Nakikipag-ugnayan na aniya ang DMW sa mga pamilya ng mga apektadong OFWs pati sa mga kaanak ng mga nasa kritikal na kondisyon at mga naulila ng tatlong nasawi.
“We will provide all the necessary assistance and support to the OFWs and their families in this difficult time as directed by the President,” ani Cacdac. (ZIA LUNA)