Sat. Nov 23rd, 2024

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pamosong “sharpshooter” ng Manila Police District na naging hukom sa lungsod, bilang bagong director ng National Bureau of Investigation.

Pinalitan ni Santiago si Menardo Delemos.

Naging bukambibig sa MPD si Santiago bilang opisyal ng Special Weapons and Tactics (SWAT) noong dekada ‘90 dahil sa pagiging asintado kapag binaril ang hostage-taker sa rescue operation kapag may hostage-drama.

Isinapelikula ang kanyang buhay sa pelikulang “SPO4 Santiago Sharpshooter” na pinagbidahan ni Sen. Bong Revilla.

Kabilang mga pagkilala na iginawad sa kanya bilang pulis-Maynila ay Senior Non-Commissioned Officer of the Year ng Western Police District (WPD), naging isa rin siya sa Ten Outstanding Policemen of the Philippines (TOPP) ng Jaycees, at Act of Heroism Award mula sa National Capital Regional Police Office (NCRPO).

Itinalaga siya bilang presiding judge ng Metropolitan Trial Court (MeTC) Branch 12 noong 2005 at noong 2011 ay na-promote bilang presiding judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 3, Manila. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *