Sun. Jun 30th, 2024

NAYANIG ng tropang Las Chismosas ang isang siyudad sa Metro Manila kaya’t gusto raw makaharap ng isang solon.

“Hanapin ‘yang Chismosa sa Tambo,” utos raw ng isang solon sa kanyang mga tauhan matapos unang pumutok sa Balitang Klik ang engrande niyang birthday celebration.

Hindi lang Chismosa sa Tambo ang target makaharap ng solon, pati raw tatlong host sa isang online show na ibinisto ang kanyang magarbong ti-par ay gusto niyang dalhin sa kanyang harapan ng mga tauhan.

Kamot-ulo raw ang mga binigyan ng direktiba ng solon dahil hindi nila alam kung saan hahagilapin ang kanilang mga subject lalo na’t ang isa ay kilala ng kanyang mga kabaro na walang permanenteng tirahan o No Permanent Address.

Kursunada palang tapalan ng kuwarta ng solon ang Chismosa sa Tambo at 3 online show hosts sa takot na marami pang makakalkal na baho niya at ng kanyang pamilya.

Katuwiran daw ng solon, lahat ay puwedeng bilhin  ng kanyang nakaw na kuwarta.

“Paano kaya ang mga asuntong isasampa laban sa kanya at kanyang pamilya dahil sa panggagahasa sa kaban ng siyudad, kaya ba niyang bilhin ang hustisya?” tanong ng Totoy Bibo sa umpukan sa Monumento.

Una raw nagkainteres sa Las Chismosas ang solon nang  ibuko na nasimot ng kanyang artistahing manugang ang precious vault na taguan ng ill-gotten wealth ng kanyang pamilya.

CLUE:

Suki sa casino ang solon pati ang kanyang misis, kapatid, anak, at manugang kaya naman ang pinaghaharian nilang lungsod ang may pinakamaraming bilang ng maralitang taga-lungsod  kahit malaki ang sukat ng siyudad.

Nag-anunsyo kamakailan ang anak ng solon na mamumudmod daw ang ilang solon ng pambili ng boto, este, ng ayuda ang isang desperadong maging senador sa 2025.

Pero ang siste, idadaan pa sa 3 solon ang perang mula sa isang ahensya ng pamahalaan na ‘kinutsaba” ng desperadong maging senador.

“Mahilig daw sa transformer at alamat ang solon,” ayon sa miron.

‘Yun na!

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *