Sun. Jul 7th, 2024

📷Sen. Nancy Binay

INAKUSAHAN ni Senadora Nancy Binay ng pagiging tsismoso ang isang senador.

Ito ang tahasang ibinunyag ni Binay sa isang press conference matapos na tanungin ng media  ukol sa kontrobersyal na New Senate Building.

Ayon kay Binay, batay sa impormasyong kanyang nabatid ang naturang senador ay patuloy na umiikot at nakikipag-usap sa kung sinu-sino masiraan lamang siya sa ilang mga kasamahan nilang senador.

Tinukoy niya na ang paninira sa kanya at sa ilang senador na kagagawan din ng isang senador ay mayroong kaugnayan sa New Senate Building Construction.

Ngunit tumanggi naman siya na tukuyin kung sinong senador ang kanyang tinutukoy na isang tsismoso.

Kaugnay nito naniniwala si Binay na ang isyu ng bagong giusali ng senado ay tila may kaugnayan sa gusot sa pagitan ng lungsod ng Taguig at Makati na kung saan nakuha ng Taguig ang 10 Barangay ng Makati batay na din sa kautusan ng Korte Suprema. (NINO ACLAN)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *