đź“·Incoming Education Secretary Sonny Angara
NAGPASALAMAT si Sen. Sonny Angara sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos niyang tanggapin ang alok na maging bagong kalihim ng Department of Education.
Tiniyak ni Angara na makakatuwang siya ng adminitrasyon para sa pagsusulong ng de-kalidad na edukasyon at pag-unlad ng sektor ng edukasyon.
Nagpapasalamat din si Angara sa mga taong nagtiwala sa kanya at nagrekomenda sa naturang posisyon.
Umani ng papuri si Marcos Jr. sa mga senador sa pagpili kay Angara na maging kapalit ini Duterte.
Kabilang ang kanyang kaalyado sa magic 7 na sina dating Senate President Juan Miguel Zubir, Senador Win Gatchalian, at Senadora Loren Legarda at Nancy Binay.N
Nagpahayag din ng suporta at pagbati sina Senate President Francis “Chiz” Escudero, Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada.
Inaasahan na magiging madali ang kompirmasyon ni Angara sa makapangyarihang Commission on Appointment (CA) sa sandaling sumalang na siya.
Batay sa tradisyon ng CA, ang isang dating miyembro ng dalawang kapulungan ng Kongreso ay pinagkakalooban ng kortesiya para sa kanyang madaling kompirmasyon. (NINO ACLAN)