Sat. Nov 23rd, 2024

📷MayDay Multimedia file photo

 

ITINAON sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang direktiba niyang bayaran na ng buo ang P27 bilyong pagkakautang ng pamahalaan na Health Emergency Allowance  sa lahat ng health workers sa buong bansa ngayon, ayon kay Alliance of Health Workers national president Robert Mendoza.

Bagama’t welcome sa kanilang hanay ang naturang desisyon ni PBBM, ipinagtaka ni Mendoza ang timing ng paglalabas ng pondo gayong matagal na palang may budget para rito.

Maaari aniyang nais ng administrasyong Marcos Jr. na ipakita ang kanyang mga accomplishment sa halip na tugunan ang mga pangangailangan ng health workers.

“Why is it only now? If there was funding available all along.  The timing of the release of long overdue benefits is very timely to the upcoming State of the Nation Address by the president. Is it because the administration just wants to showcase his accomplishments rather than addressing the urgent needs of health workers,” sabi ni Mendoza.

Umaasa siya na lahat ng mga manggagawang pangkalusugan sa pribado at mga ospital ng local government units (LGUs) ay mababayaran din ng buo ang kanilang HEA dahil batay sa kanilang dayalogo kay Budget Secretary Amenah Pangandaman noong 11 Abril 2024, hindi pa nabubuo ng Department of Health (DOH) ang final list gayundin ang talaan ng paid at unpaid COVID-19 allowance ng health workers.

“We hope that all health workers in private and LGU hospitals and health facilities will be fully paid of their much deserved HEA because during our dialogue with DBM Secretary Pangandaman last April 11, 2024, DOH has not yet complied with the final lists and mapping of paid and unpaid health workers of their  COVID-19 allowances.”

Binigyan diin ni Mendoza, ang pagbayad ng pamahalaan ng HEA ay isang natatanging tagumpay ng mga manggagawang pangkalusugan na nanguna sa laban kontra COVID-19 pandemic at inialay ng walang pag-iimbot ang kanilang mga sarili upang bigyan kalinga at suporta ang mga pasyente at kalimita’y nailagay pa sa panganib ang mga sarili pati ang kanilang pamilya.

Habang para kay Cristy Donguines, isang nurse at AHW secretary general, ang naantalang paglabas ng COVID-19 benefits, mababang sahod, malalang understaffing, job insecurity ay pangunahing mga dahilan kaya marami sa kanilang hanay ang nagretiro ng maaga, nag-resign at naghanap ng trabaho sa abroad.

Ang masaklap pa, ani Donguines, may mga namatay na hindi man lamang natanggap ang kanilang HEA.

“More so, the delayed release of COVID-19 benefits, low wages, severe understaffing, job insecurity are the major factors why many from our ranks file an early retirement, resign and seek better opportunities abroad. Worst, some died without receiving the much-deserved Health Emergency Allowance,” sabi ni Donguines.

Naniniwala ang AHW na ang matinding pagkakaisa, kolektibong aksyon at patuloy at walang humpay na paggiit ng kanilang hanay ang nagtulak sa DOH, DBM at administrasyong Marcos Jr. na ilabas ang kanilang COVID-19 allowances.

Lalahok ang health workers sa people’s SONA sa 22 Hulyo 2024 upang iparating ang kanilang mga lehitimong kahilingan sa administrasyong Marcos Jr. para sa “living wage, just benefits, job security, mass hiring of health workers and the right to health of the people.” (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *