Fri. Nov 22nd, 2024

📷Sen. Nancy Binay

PINAG-AARALAN ng kampo ni Sen. Nancy Binay ang paghahain ng ethics complaint laban kay Sen. Alan Peter Cayetano kaugnay sa pagparatang sa senadora na nagkasa ng “scripted interview” sa media .

“The moment pinag-uusapan pa rin ng legal team ko kung if ever magpa-file ano ang mga magiging ground or magiging basis for that complaint,” sabi ni Binay sa panayam sa programang Sa Totoo Lang sa One PH kagabi.

Maaari rin aniyang maging batayan ng reklamo ang hindi maayos na pagtrato ni Cayetano sa resource person sa ginanap na pagdinig hinggil sa pondo ng ipinapatayong Senate building.

“Posibleng din maging issue ‘yung pag-treat sa resource person na hindi pinagpapaliwanag di ba? Parang pinipigilan niyang mag-explain. ‘Yan ang mga tinitignan natin. And, siyempre for me ang pinakamabigat ‘yung paratang niya ako ‘yung nagbigay ng tanong dun sa 10 nag-interview sa akin sa radio,” ayon kay Binay.

Nag-trending sa social media ang pag-walkout ni Binay sa pagdinig sa Senado matapos silang magbangayan ni Cayetano sa isyu kung P21-B o P23-B ang nagagasta na sa konstruksyon ng bagong Senate building sa Bonifacio Global City sa Taguig City.

Samantala, inamin ni Binay na malaki ang tsansa na tatakbo siya sa pagka-alkalde ng Makati City bilang kapalit ng kanyang kapatid na si Mayor Abby Binay.

Habang ang mayora ay magiging bahagi aniya ng senatorial slate ng Nationalist People’s Coalition (NPC) sa 2025 midterm elections. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *