Fri. Sep 20th, 2024

MAY plano yatang magtayo ng sariling kaharian sa Caloocan City ang isang Gigolo ng lungsod dahil sa hilig niya chikas.

Bisyo raw kasi ni Gigolo ang maghasik ng mabagsik niyang semilya sa mga kababaihang kapos-palad , kapalit ng trabaho.

“Mga may asawa ang paboritong ‘bombohin’ as in buntisin ni Sir para hindi mahalata na siya ang ama ng paslit na isisilang ng mundo ng kawawang babae na pinagsamantalahan niya ang kahinaan,” ngitngit ng feministang Chismosa sa Sangandaan.

Nuknukan na raw ng yaman ni Gigolo dahil sakote niya ang malalaking kontrata sa lungsod at sa katunayan, maluluma si Alice Guo sa kanyang marangyang pamumuhay, at mga ari-arian.

“Hindi kaya close din sila ni Guo kaya nakabili siya ng lupa sa Tarlac na  ginawa niyang komersyal na pasyalan? Kanino naman kaya ang yate at helicopter na ipinagmamalaki niya sa social media?” usisa ng sidekick ng Chismosa sa Sangandaan na may anti-corruption advocacy.

CLUE:

Ginawa raw manpower agency ni Gigolo ang City Hall, halos lahat daw ng departamento ay nagpasok siya ng KKK , as in, kadugo kaibigan at kaklase.

“Paborito ba niyang ulam ang adobo?”

‘Yun na!

 

 

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *