KUNG may dapat pagtuunan ng atensyon sa paghahanda sa ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ito ay ang seguridad sa Batasan Pambansa at hindi ang kasuotan ng mga dadalo sa pagtitipon sa 22 Hulyo 2024.
Nagbabala kasi si House of Representatives Secretary General Reginald Velasco na hindi papasukin sa Plenary Hall ang sinomang magsusuot ng “protest clothing” o posibleng maaresto at madetine pa ang hindi tatalima sa kanyang direktiba.
Natural na umalma si ACT Teachers partylist Rep. France Castro sa banta ni Velasco.
“Paglabag ang pagbabawal na ito sa freedom of expression at dapat itong tutulan. Gayun pa man ay magsusuot pa rin kami sa Makabayan bloc ng mga kasuotan na magpapakita sa tunay na mga hinaing at kahilingan ng mamamayan sa SONA,” ayon kay Castro sa isang text message.
Ano naman kaya ang masasabi ni Velasco hinggil sa statement ni Vice President Sara Duterte na hindi siya dadalo sa SONA at itinalaga niya ang sarili bilang “Designated Survivor”?
Kung napanood ni Velasco ang “Designated Survivor” series sa Netflix, maaaring magduda siya sa kahulugan ng pahayag ni VP Sara.
Sa Amerika ay may itinatalagang “Designated Survivor” tuwing idaraos ang State of the Union Address ng presidente ng US.
“Because the State of the Union is traditionally delivered in the House chamber before the vice president, a joint session of Congress and Cabinet members, all the members of the line of succession to the presidency are in attendance. In case of a catastrophic event targeting the chamber, one Cabinet member is selected by the White House to go to a secure location and sit out the speech and be ready to take over the presidency in case of such a disaster,” ayon sa report ng cbsnews.com.
“The designated survivor is a Cabinet member who does not attend the State of the Union address and would take over the presidency in case a catastrophic incident at the Capitol causes the death or incapacitation of everyone in the line of succession. This person is always chosen ahead of the State of the Union, and the White House refers to the individual as the “cabinet member not in attendance.”
Sabi nga ng ilang political observer, hindi maganda sa panlasa ang pagdeklara ni VP Sara sa kanyang sarili bilang “Designated Survivor” lalo na’t walang batas sa Pilipinas na nagtatadhana nito.
Naghain ng panukalang batas si noo’y Sen. Panfilo Lacson noong 2020 hinggil sa pagkakaroon ng “Designated Survivor.”
“Because of the failure of Congress to pass the necessary legislation in extending the line of succession beyond the Speaker of the House of Representatives, a constitutional crisis is possible if all four top elected officials, God forbid, die in one event such as the SONA due to a terrorist attack in the Batasang Pambansa, or any occasion where the President and all three officials in the line of constitutional succession are present,” ani Lacson.
Hindi maaalis sa isipan ng mga Pinoy ang naging rebelasyon nina self-confessed leader ng Davao Death Squad at retired policeman Arturo Lascanas at dating hitman Edgar Matobato na inutusan umano sila ni noo’y Davao City Mayor Rodrigo Duterte na bombahin ang mosque sa Davao noong 1993 bilang paghihiganti sa pagsabog sa San Pedro Cathedral.
Ngayong lantaran ang hidwaan ng paksyong Marcos Jr. at Duterte, dapat bang kabahan ang mga mamamayan kay self-appointed “Designated Survivor” Sara Duterte?
Ano kaya ang mas mahalaga para kay Velasco, ang bantayan ang isusuot ng mga pupunta sa SONA o ang “pagbabanta” ng hindi dadalo?