Wed. Nov 13th, 2024

đŸ“·Batangas Rep. Gerville Luistro

 

NANINDIGAN ang dalawang abogado ni ret. police Col. Royina Garma na walang panggigipit, pagbabanta na ginawa sina Quad Com co-chairmen Manila Rep. Bienvenido Abante at Sta. Rosa Rep. Dan Fernandez kay dating Mandaluyong police chief Hector Grijaldo.

Binasa ni Batangas Rep. Gerville Luistro ang joint statement nina Atty, Emerito Quillang at Atty. Rotoiv Cumicad na inimbitahang maging testigo sa nasabing meeting at inihayag nila na wala silang nakita o napansin na coercion, panggigipit o pagbabanta na ginawa ang dalawang mambabatas kay Grijaldo.

Sinabi ni Luistro na ito’y katunayan na hindi totoo ang alegasyon i Grijaldo sa pagdinig ng Senado laban kina Abante at Fernandez.

Hinimok ni Luistro na gumawa ng kaukulang legal na hakbang sina Abante at Fernandez laban kay Grijaldo.

Nauna rito’y inihayag ni Fernandez na nakahanda silang magbitiw sa komite ni Abante kapag sinimulan nang imbestigahan ng Quad Comm ang alegasyon ni Grijaldo laban sa kanila ni Abante. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *