Wed. Sep 18th, 2024

📷Filipiniana dress na isusuot ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro 

 

ISINIWALAT nina House Deputy Minority leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro at Gabriela Women’s Partylist Rep. Arlene Brosas ang kanilang mga isusuot sa ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Lunes, 22 Hulyo 2024.

Ang “outfit reveal” ng dalawang progresibong mambabatas ay ginawa isang linggo matapos magbanta si House Secretary General Reginald Velasco na hindi papapasukin sa Plenary Hall o maaaring idetine pa ang mga magsusuot ng “protest clothing” sa araw ng SONA.

Ang Filipiniana dress nina Castro at Brosas ay dinisenyo ni Francis Yu habang ang illustrations para sa teacher-solon ay iginuhit ni artist-activist at art educator Michael Joselo ang panawagang umento sa sahod ng mga guro at  nakabubuhay na  suweldo upang makaagapay sa kahirapan sa bansa.

Para naman sa Filipiniana dress ni Brosas, ipininta ni Joselo ang simbolo ng paglaban ng kababaihang Pilipino sa pananalakay militar ng mga dayuhan.

Ang mga usapin ng pagkakaloob ng nakabubuhay na sahod at pagpigil sa militarisasyon sa West Philippine Sea (WPS) ng puwersa ng China at US, ang mga pangunahing isyung inaasahang marinig sa SONA ni Marcos Jr. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *