Fri. Aug 7th, 2026

Nagsimula na ang serye ng mga webinar mula sa Kapisanan ng mga Bahay-Saliksikan (KABANSA) para sa pagdiriwang ng Buwan ng Kasaysayan. Bilang bahagi ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) sa pamamagitan ng Local Historical Committees Network (LHCN) kung saan kabilang ang Kabansa, isinasagawa ang mga panayam gamit ang zoom na platform.

Nag-umpisa noong Agosto 5 si G. Axle Chrsitien Tuganao tungkol sa lokal na kasaysayan ng Marikina. Nagtalakay naman si Dr. Vicente Villan noong Agosto 7 ang mga di kilalang piling bayani sa Capiz noong Agosto 7. Ang sumunod sa serye, si Dr. Emmanuel Franco Calairo tungkol sa bayani ng San Francisco de Malabon at si G. Jose Rey Munsayac para sa mga lokal na bayani sa Bulacan noong Agosto 12 at 14.

Ipagpapatuloy ang webinarserye sa panayam ni Dr. Ian Christopher Alfonso sa “The Very Curious Case of the 1934 King of Macabebe Monument” sa Agosto 19 at ni G. Renz Marion Katigbak sa “Remembering Heroes from Lipa History Overlooked” ngayong darating na Agosto 21.  Habang ang huling dalawa sa webinarserye ay nakalaan kina Dr. Faina Ulindang, tungkol kina Amai Pakpak ng Marawi, datu Ali ng Cotabato at Datu Bago ng Davao sa Agosto 26 at G. Vladimir Agcaoili Nieto tungkol sa mga angkan sa Lucena ngayong Agosto 28.

Ang KABANSA ay pambansang samahan ng mga bahay-saliksikan kasama ang Tayabas Studies and Creative Writing Center, Center for Kapampangan Studies, Center for Marikina Valley Studies, Santa Rosa Studies Center, Palawan Studies Center, Center for Bulacan Studies, Cavite Studies Center, Center for Batangas Studies at Cordillera Studies. Ang Buwan ng Agosto ay para sa pagdiriwang ng Buwan ng Kasaysayan kaagapay ng NHCP ang mga kabilang sa LHCN. (RANDY NOBLEZA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *