📷Prime Water | stockbytes.com
PINAIIMBESTIGAHAN at pinapawalang bisa ng Water for the People Network, Water System Employees Response (WATER) at ng Alliance for Consumer Protection (ACP) ang joint venture agreement ng San Jose Water District at Prime Water na nagpapahirap sa mga residente ng City of San Jose del Monte at iba pang munisipalidad sa lalawigan ng Bulacan.
Anila, pinalala ng JVAs ng Prime Water ni Villar at iba pang kompanya ng tubig ng mga oligarko ang impact ng pagsasapribado ng tubig na nagsimula sa Pilipinas sa pamamagitan ng concession agreement sa pagitan ng Philippine government at private water firms na Maynilad at Manila Water na nagresulta sa mas mahal pero kapos na seribisyo lalo na sa maralitang tagalungsod.
Sa isinagawang piket ng mga grupo sa San Jose del Monte ay nakiisa rin ang mga kinatawan ng kabataan, relihiyoso, lokal na pamahalaan at Negros consumer network AMLIG at nagbigay ng update sa parallel action upang wakasan ang mapanganib na JVAs.
Ipinadala sa pamamagitan ng electronic mail ang hirit nilang imbestigasyon at pagpapawalang-bisa sa JVAs sa Malacanang, sa House of Representatives at sa Philippine Senate.
Ang JVAs ay bahagi ng infrastructure campaign ng Public Partnership Program (PPPs) ng pamahalaan kasama ang pribadong sektor sa mga isasagawang pampubliko proyekto.
Kinuwestiyon ng mga grupo ang programa na nakatuon sa big-ticket projects ng mga oligarko lalo na ang bigtime transport roads at networks na magpapataba sa kanilang mga bulsa.
“But, public services and economic sector infra are neglected while these could otherwise boost workers and farmers’ production, jobs and incomes, and substantially improve and expand much-needed social and public services and utilities that directly benefit the people,” sabi ng mga grupo. (ZIA LUNA)