Sun. Nov 24th, 2024
MABILOG / FILE / SAVED JUNE 16, 2022 Iloilo Jed Patrick Mabilog in a press conference (Photo from Facebook page of Iloilo City government)

📷Ex-Iloilo City Mayor Jed Mabilog

 

NAGING emosyonal si dating Iloilo City mayor Jed Patrick Mabilog nang isalaysay nan ais ng administrasyong Dutertes na akusahan niya sina dating senators Mar Roxas at Franklin Drilon bilang mga drug lord pagbalik niya sa Pilipinas.

Sa kanyang pagharap sa House of Representatives’ 6th Quad Committee hearing, sinabi ni  Mabilog na inabisuhan siya ni Police Brig. Gen. Bernardo Diaz na tawagan si noo’y Philippine National Police chief at ngayo’y Senator Ronaldo “Bato” dela Rosa.

“Using a public payphone, I made the call and spoke to General Bato, who expressed his sympathy.  He was talking to me in Bisaya.  He told me he knew I was innocent, that I wasn’t involved in illegal drugs, and he promised to help me,” ani Mabilog.

Inamin ni Mabilog na ang kanilang pag-uusap ni dela Rosa ay muntik na siyang makombinse na bumalik sa Pilipinas.

Sinabi ni Mabilog kay dela Rosa na tatapusin niya ang kanyang trabahp bago siya umuwi sa bansa upang magkita sila ngunit ihinimok siya ng dating PNP chief na mag-ingat pero tutulungan pa rin siya.

Pero ng araw ring iyon ay tinawagan siya ng isang heneral at pinayuhan siya na huwag bumalik sa Pilipinas dahil nanganganib  ang kanyang buhay.

“The general said, ‘Mayor, do not return. Your life is in danger. The accusations against you were fabricated,” ani Mabilog.

“If you go to Camp Crame, you’ll be forced to accuse an opposition senator and a presidential candidate as drug lords,’” sabi ni Mabilog na ang tinutukoy ay sina Roxas at Drilon, kapwa mga opisyal ng Liberal Party na oposisyon sa panahon ni Duterte.

Hiniling aniya ng heneral na sirain ang kanyang mobile phone at SIM card upang maiwasan ang wiretapping.

Umalis ng Pilipinas si Mabilog noong Agosto 2017 upang dumalo sa isang conference sa Japan ngunit hindi na sila bumalik ng kanyang pamilya at piniling manatili sa US na ginawaran sila ng political asylum.

Matapos ang pitong taon , nagbalik sa Pilipinas si Mabilog upang isiwalat na hindi siya sangkot sa illegal drug trade at sa katunayan ay nagpatupad pa nga siya ng anti-illegal drug programs sa Iloilo sa panahon ng kanyang termino.

“All of a sudden, my name was included in the PRRD ‘narco-list’ of the Duterte administration. A list of public officials who were accused of alleged ties to illegal drugs, all of which have been proven baseless,” ani Mabilog.

“I declare that I was not, and never will be, a drug protector. I don’t know or benefit from any drug personality in Iloilo or anywhere else. Until today, no drug-related charges have been filed against me in any legal court,” dagdag niya.

Paulit-ulit aniya siyang pinagbantaan ni Duterte sa ilang panayam sa media,at  ipapapatay raw siya.

Walang batayan at imbento lamang ang mga akusasyon sa kanya ni Duterte, ayon kay Mabilog.

Napaiyak si Mabilog nang maalaala ang trauma na pinagdaanan nilang mag-anak bunsod ng mga bintang sa kanya ni Duterte na hanggang sa ngayon, wala namang naisampang kaso laban sa kanya.

“It sent shivers down my spine, literally… The fear that had been simmering (has) now erupted. Soon after, my wife Marivic received a chilling text from a PNP Colonel’s wife: ‘Do not proceed. Twenty men are surrounding your house, and if you go to Camp Crame, they will kill you,’” aniya.

Duda niya, ang galit sa kanya ni Duterte ay sanhi ng mababang bilang ng boto na nakuha nito sa Iloilo City noong 2016 presidential polls.

 

“I was saddened and in pain when I was forced to be away from my family, as well as my beloved town I promised to serve. Not because I was wrong, but because our lives were in danger,” aniya.

“I wish that our sufferings, which broke us into persecution, trauma, and nothingness, will never be experienced again. May truth prevail, and not the politics of the few.”  (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *