Thu. Sep 12th, 2024

Walang pagsidlan ang labis na kaligayahan ni Andrew Schimmer dahil nagdadalantao na ang kanyang partner na si Dimps.

Si Andrew ang karelasyon ni Jho Rovero na pumanaw noong December 20, 2022 sanhi ng maraming kumplikasyon.

May dalawa silang anak.

Noong December 22 last year–a little more than a year after Jho passed away–ay inamin ni Andrew sa kanyang Facebook account na in a relationship siya.

Ang pagdating daw ni Dimps sa kanyang buhay ang nagbigay muli ng sigla sa kanya lalo na sa panahong madilim ang tinatahak niyang landas.

Si Dimps ay meron ding anak from a previous relationship.

Nitong August 11, Andrew took to FB ang pag-aanunsyo that he and Dimps are expecting a baby boy.

Naka-post ang pregnancy test kit ni Dimps.

Maging si Dimps posted three pregnancy test kits para makatiyak sa kanyang kundisyon.

Ang magdalantao ay kahilingan din pala ng ina ni Dimps who posted: “Ma, ayan na. Natupad na ang pangarap mo!”

At first, nagduda pa si Andrew who posted: “Totoo ba ito?”

Nang makumpirma ngang totoo: “We’re all superrr happy! Bebe boy, lezzzgaw!”

Kung babalikan, walang makakapantay sa naging sakripisyo ni Andrew nang maratay si Jho sa ospital at maging nang iuwi sa bahay only to rush her back to the hospital.

Sa awa ng Diyos, naitawid ni Andrew ang ‘di birong gastusin sa ospital mula sa mga bigay-bigay ng mga taong karamihan ay hindi niya kilala.

Masasabing perfect timing ang pagdating ni Dimps sa noo’y lugmok na lugmok na kalagayan ni Andrew.

Matatandaan ding isinama ni Andrew si Dimps nang dalawin niya ang puntod ni Jho.

Kung may tinatawag na new lease on life, sa kaso ni Andrew ay malinaw na may ikalawang glorya.

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *