Sun. Oct 6th, 2024
Jeffrey “Ka Eric” Celiz (Ninja the Bloggerz Facebook)

IPINAKULONG ng House committee on legislative franchises ang pamosong red-tagger at Sonshine Media Network International (SMNI) host Jeffrey Celiz bilang parusa sa pagtanggi niyang isiwalat ang inihayag niyang maling impormasyon kaugnay sa travel expenses ni Speaker Martin Romualdez.

Mananatiling nakapiit si Celiz sa Mababang Kapulungan hanggang matapos ng pagdinig kaugnay sa imbestigasyon sa posibleng paglabag ng SMNI sa nakasaad sa kanilang prangkisa at maisumite ito sa plenaryo.

Matatandaan sa ‘Laban Kasama ng Bayan’ program ay sinabi ni Celiz noong Nobyembre 27 na mau source siyang nagsiwalat na umabot sa P1.8 bilyon ang ginastos ni Romualdez para sa kanyang mga biyahe sa loob ng isang taon.

Nilinaw ni House Secretary General Reginald Velasco na ang kabuuang ginasta ng Mababang Kapulungan ay P39.6 milyon para sa foreign travels. (NINO ACLAN)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *