Fri. Nov 22nd, 2024

GUMUGUHO  ang postura ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na iba siya sa berdugong pinalitan sa Malakanyang dahil nagpapatuloy ang extrajudicial killings sa ilalim ng kanyang rehimen.

“As we observe International Human Rights Day on December 10, commemorating the 75th year of the Universal Declaration on Human Rights, we assert that the climate of impunity that shielded Rodrigo Duterte and his subalterns from being held accountable for the killings of activists and suspected drug personalities still rears its ugly head under Ferdinand Marcos Jr,” sabi ng human rights alliance KARAPATAN sa isang kalatas.

Umabot sa 87 EJKs hanggang Nobyembre 30 ang naidokumento ng KARAPATAN sa isinusulong na malupit na counter-insurgency program  ng rehimeng Marcos Jr. mula noong Hulyo 2022.

Ibig sabihin, limang katao ang pinapatay bawat buwan, kasama ang limang makaser na may 27 biktima na brutal na pinaslang, kabilang ang mga bata at matatanda.

Hindi pa anila kasama ang mga insidente ng civil at political rights violations.

Sa ilalim ni Marcos Jr., naitala ng KARAPATAN ang 12 biktima ng enforced disappearance; 316 biktima ng illegal at arbitrary arrest; 22,391 biktima ng pambobomba; 39,769 biktima ng indiscriminate firing; 24,670 biktima ng forced evacuation; 552 biktima ng forced surrender; at 1,609,496 biktima ng threats, harassment, intimidation, pati red-tagging.

Habang sa Dahas Project ng Third World Studies Program ay iniulat na may 474 drug-war related killings sa ilalim ng war on drugs ni Marcos Jr.

Hiniling ng KARAPATAN na tuldukan na ang climate of impunity kasabay ng panawagan para sa hustisya at panagutin ang mga nasa likod ng patayan sa counter-insurgency war at sa war on drugs.

“Domestic redress mechanisms have clearly failed to exact justice for the victims of Duterte’s bloody drug war, with only three convictions attained in the face of up to 30,000 drug war-related killings perpetrated by police forces and police-sanctioned vigilante death squads since Duterte’s bloody campaign began in mid-2016,” anang KARAPATAN.

Ang isinasagawang imbestigasyon anila sa drug war ni Duteete ng International Criminal Court (ICC) ay nag-aalok ng sulyap ng pag-asa sa mga biktima ang kanilang mga pamilya.

Sa ngalan ng hustisya, dapat anilang papasukin sa bansa ang ICC investigators ng gobyerno at payagan silang makausap ang mga biktima at ibigay ang mga kinakailangang dokumento sa imbestigasyon.

“The Marcos Jr. regime must also answer for its own perpetuation of Duterte’s fascist counter-insurgency and drug war policies that continue to claim the lives of hundreds of Filipinos.” (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *