Mon. Nov 25th, 2024
Sen. Nancy Binay

MALABO nang magamit ang itinayong gusali ng Senado sa Taguig City sa 2024 at maging mga senador na magtatapos ang termino sa 2025 ay hindi na ito mapakikinabangan.

Ito ay sa kabila ng pagsusumikap ni Senadora Nancy Binay, Chairman ng Senate Committee on Accounts na masunod ang unang plano na magamit ang naturang gusali sa umaga bago ang pagbibigay ng ikatlong State of  the Nationa Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos sa Hulyo 2024.

Ayon sa source, sa kabila ng nakatayo na ang gusali ay malabong dumating ang mga equipment na kailangan para rito.

Ang isang equipment ay darating pa lamang sa gusali ng Senado sa ikalawang linggo ng Enero at ang iba ay io-order pa at inaasahan na 2025 pa ang delivery.

Isa rin sa mga equipment na wala pa at  hindi alam kung kailan ang dating ay ang mga kailangan ng Public Relations Information Bureau (PRIB) para matiyak na masaksihan ng tama at maayos ng publiko ang sesyon ng mga senador.

Ang bagong gusali ng Senado ay mayroong 11 na palapag, kasama ang apat na tower at pinalilibutan ng tatlong basement.

Dahil dito tanging ang mga bagong mahahalal na senador sa darating na 2025 midterm elections at sa araw mismo ng State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo magsisimula ang operasyon ng bagong gusali.

Napag-alaman na pinaplanong umarkila na lamang mga equipment na at kumuha na lamang ng ibang manpower para magamit ang naturang gusali ngayong 2024 subalit nangangamba naman ang ilan na magiging dagdag gastos lamang ito sa parte ng Senado.

Bukod sa dagdag na manpower ay dapat munang isailalim sa pagsasanay ang mga empleyado ng Senado upang maging pamilyar sa paggamit ng bagong equipment. (NINO ACLAN)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *