Wed. Oct 16th, 2024

KASING bilis ng bullet train kung dumiskarte ang isang mataas na opisyal ng Palasyo na bantog sa bansag na ‘Boy Riles.’

Hindi pa pala nag-iinit ang kanyang puwet sa puwesto, nagkaroon na siya ng bisitang VIP mula sa ibang bansa.

Sektor ng riles naman talaga ng puntirya niya kaya napadpad sa bakuran ng Bossing ng Bayan Mo.

Ang bansa raw na pinagmulan ng VIP guest ni Boy Riles ay paldo kaya’t naglagak ng puhunan sa negosyong may kinalaman sa tren.

“Biruin mo ang layo ng negosyong tren sa mandato ni Boy Riles pero siya ang pinuntahan ng VIP foreigner,” usisa nang naiskupan na Chismosa sa Gusali ni Borloloy.

“May history ba sa raket sa tren si Boy Riles?”  follow-up question niya.

Kung sa background sa raket sa tren, mukhang hindi naman daw  magpapahuli si Boy Riles pero gusto itong talakayin sa ibang araw ng Dekano ng Las Chismosas.

CLUE:

Dati nang napaulat na ang multi-bilyong halagang right-of-way projects ang talagang target na gatasan ni Boy Riles at may kasabwat pa raw siyang isang kapwa opisyal sa Palasyo.

Hindi naman daw kinakabog sa mga kabulastugan na ikinakasa niya si Boy Riles dahil tila kinalyo na raw ang pagmumukha niya sa ilang mga eskandalong kinasangkutan sa nakalipas na mga taon.

Ang pagkakaalam ng marami ay hindi naman siya tubong Pampanga pero ang paborito niyang linya ay “ Nanung buri mo?’

‘Yun na!

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *