Wed. Dec 4th, 2024

INAABANGAN ng netizens kung mahaharap din sa mga kaso ang aktres na si Ruffa Mae Quinto at boxing icon Manny Pacquiao bilang mga umano’y naging endorser din ng kompanyang Dermacare, gaya ng dating aktres na si Neri Naig.

Kasalukuyang nakapiit si Neri sa mga kasong paglabag sa RA 8799 o Securities Regulation Code, estafa at syndicated estafa.

Napag-alaman na walang permit ang Dermacare sa SEC para mangalap ng investment.

Isiniwalat ng talent manager na si Ogie Diaz sa kanyang online show kamakailan ang mga nakarating sa kanyang impormasyon kaugnay kina Ruffa Mae at Pacquiao.

“Tulad ni Neri [Naig] endorser din ng Dermacare si Rufa Mae. Si Manny naman ang nakalagay ay franchisee/brand ambassador noong 2022,” sabi ni Ogie.

“Nakakaloka, ha! Sana hindi ito totoo. Otherwise, maaari itong linawin ng kampo ni Rufa Mae at ni Manny Pacquiao. O baka hindi rin sila aware sa surprise warrant of arrest,” dagdag niya.

Wala pang inilalabas na opisyal na pahayag sina Ruffa Mae at Pacquiao hinggil sa usapin. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *