Wed. Dec 4th, 2024

MAGPUPUNTA ang mga opisyal ng Pilipinas sa Indonesia para talakayin ang mga detalye sa posibleng paglilipat ng Pinay drug convict na si Mary Jane Veloso, ayon kay Justice Undersecretary Raul Vasquez.

Sinabi ni Vasquez na batay sa liham mula sa Indonesia, hinihiling nila ang personal na pakikipag-usap sa paGitan ng DOJ Secretary at ng Minister for Human Rights and Corrections nil kaya’t posibleng magtungo sila sa roon ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa Biyernes.

“I think it will be about the details on the possible transfer. We will have to discuss probably,” aniya.

Noong Nobyembre, inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nakipagkasundo ang gobyerno ng Pilipinas sa mga awtoridad ng Indonesia na ibalik si Veloso sa bansa.

Ayon sa isang ministro, plano ng Indonesia na ibalik si Veloso sa Pilipinas bago matapos ang taon. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *