Wed. Dec 4th, 2024

ANG pagbubunyag ng Philippine Statistics Authority (PSA) na walang Mary Grace Piattos sa kanilang record ay lalong nagpapatibay sa desisyon ng Kongreso na suriin ang confidential fund expenditures ng Office of the Vice President.

Hinamon ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro si Vice President Sara Duterte na ipaliwanag sa House Blue Ribbon Committee kung saan napunta ang daan-daang milyong pisong pera ng bayan na ipinagkatiwala sa kanyang tanggapan.

“The PSA has confirmed what we’ve been saying all along – walang Mary Grace Piattos. This is a serious matter involving hundreds of millions in public funds. Sino ba talaga ang tumanggap nitong confidential funds? Saan ba talaga napunta ang pera?” tanong ni Castro.

“Ito ang dahilan kung bakit kailangang magpaliwanag si VP Sara sa Kongreso. Hindi maaaring patuloy na umiiwas sa imbestigasyon habang may ganitong matitinding alegasyon ng pandaraya at maling paggamit ng pondo ng bayan,” giit ng progresibong mambabatas.

Hindi na aniya ito tungkol lamang sa kuwestiyonableng paggasta, bubusuisiin aniya ng komite ang posibleng gawa-gawang mga dokumento at ghost recipients.

“This is not anymore just about questionable disbursements. We are now looking at potentially fabricated documents and ghost recipients. Sino ba talaga ang pumirma sa mga acknowledgment receipt na ito? Bakit kailangang gumamit ng pekeng pangalan?” tanong ni Castro. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *