Wed. Dec 4th, 2024

Mahigpit na inendorso ng Makabayan bloc ang impeachment complaint na inihain ng 75 katao mula sa iba’t ibang people’s organizations laban kay Vice President Sara Duterte sa Mababang Kapulungan ngayon.

Inihayag ito nina ACT Teachers Partylist Rep. France Castro, Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas at Kabataan Partylist Raoul Manuel, mga progresibong mambabatas mula sa Makabayan bloc .

“It’s time to impeach the wicked witch of the South, Sara Duterte,” pahayag ni Atty. Renee Co, isa sa mga complainant at first nominee ng Kabataan Partylist.

“One ground” lang ang naging basehan ng impeachment complaint, betrayal of public trust,na ayon kay dating Bayan Muna Rep.  Neri Colmenares, “encompasses everything. May tiwala sa iyo ang taumbayan, pinagtaksilan mo sila.”

Betrayal of trust ang inilagay na basehan ng impeachment complaint at kasama na rito ang lahat ng detalye hinggil sa kuwestiyonableng paggasta sa P125-M confidential funds ng Office of the Vice President at P612-m confidential funds ng Department of Education habang si Duterte pa ang kalihim sa kagawaran.

“Alam na ng mga congressmen ang mga grounds, tingin ko alam naman nila ang nangyari at naghintay lang sila na may mag-file ng formal complaint,” sabi ni Bagong Alyansang Makabayan chairperson Teddy Casino.

“One act and one ground’ lang aniya ang kailangan para ma-impeach ang isang mataas na opisyal.

Naniniwala naman si Bayan president Renato Reyes Jr. na matibay ang mga ebidensya ng inihain nilang impeachment complaint.

“Kung common ang usapin, isyu madali naman kahit sa kalsada . Kung sakali, proseso ito na gagampanan ng may 300 mambabata, hindi usapin dito kung Makabayan o Akbayan,” tugon ni Castro kung nakahandang makipagtulungan ang Makabayan sa Akbayan kaugnay sa impeachment laban kay Duterte.

“The betrayal of public trust evident in respondent’s actions represents a fundamental breach of the covenant between public servant and citizens – a breach so severe that it can only be remedied by her removal from office through impeachment with the penalty of permanent disqualification from holding public office,” ayon sa impeachment complaint.

Panawagan nila sa mga mambabatas, bumoto ayon sa kanilang konsensya, hindi ayon sa partido at personal na interes. (ROSE NOVENARIO)

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *