Sat. Jan 18th, 2025

📷Dafnie Nacalaban

 

UMAMIN na ang Kuwaiti national na pangunahing suspek sa pagpatay sa overseas Filipino worker na si Dafnie Nacalaban, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).

Kinompirma ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac na mayroong mga report na natanggap ang kanilang tanggapan na umamin na ang nasabing prime suspect ngunit kapos pa sa detalye dahil hinihintay pa ang official report.

Kasalukuyang nakakulong na aniya ang Kuwaiti national kasama ang kanyang asawa, ama at nakababatang kapatid na nagtago sa kanya.

Inaantabayanan pa rin aniya ang magiging hakbang kaugnay sa pagsakdal sa suspek upang makamit ang hustisya para sa pinaslang na OFW.

Magugunitang natagpuan ang labi ni Dafnie na naagnas sa bakuran ng bahay ng isang Kuwaiti national noong Disyembre 31, 2024 matapos iturn-over o isuko ang suspek ng kanyang kapatid. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *