PINAG-AARALAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon na itaas sa P15 ang minimum na pasahe sa jeepney mula sa kasalukuyang P13.
Sa isang kalatas ay kinilala ng LTFRB ang mga hamon na kinakaharap ng mga drayber at operator bunsod ng tumataas na presyo ng produktong petrolyo at halaga ng pamumuhay.
“The LTFRB is reviewing the petition thoroughly and will consider all relevant factors, including fuel price trends, inflation rates, and the overall economic impact on the riding public,” anang ahensya .
Gayunman, ikinokonsidera rin ng LTFRB ang posibleng epekto sa mga komyuter ng hirit na dagdag sa minimum na pasahe sa jeepneys.
“We assure all stakeholders that the board will conduct public hearings and consultations to ensure transparency and inclusivity in the decision-making process,” anang LTFRB. (ROSE NOVENARIO)