Tue. Jan 14th, 2025

NAGKASUNDO ang mga mambabatas na ibalik na sa single plate ang mga motorsiklo oras na maging batas ang isinusulong na pag-amyenda sa Motorcycle Crime Prevention Act.

Napag-usapan sa bicameral conference committe ang ganap na pag-alis sa double plate requirement sa batas.

Kailangang lagyan ng malaking plaka ang harap ng mga motor sa kasalukuyan pero sinuspinde ito ng Land Transportation Office (LTO) noong 2020 dahil kapos ang supply ng mga plaka bunsod ng COVID-19 pandemic.

Tinanggal na rin ang panukalang lagyan ng radio frequency identification o RFID sticker ang harapan ng mga motor.

Ibinaba na rin nang higit anim na beses ang multa sa paglabag sa batas.

Raratipkahan ng Senado at Kamara ang aprubadong bersyon ng bicam bago isumite kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *