NILAGDAAN ni Pangulong Donald Trump ang executive order na nagdeklara na ang gobyerno ng Estados Unidos ay opisyal na kikilalanin lamang ang dalawang biyolohikal na kasarian, lalaki at babae sa kabila ng patuloy na pakikipaglaban ng LGBTQ+ community para sa kanilang mga karapatan.
“As of today, it will henceforth be the official policy of the United States government that there are only two genders: Male and female,” sabi ni Trump ngayong Martes, Enero 21.
Tinuldukan din niya ang tinagurian niya bilang “radikal at aksaya” na pagkakaiba-iba, pagkakapantay-pantay, at mga inisyatiba sa pagsasama sa loob ng mga ahensyang pederal.
Inilagarawan ng ilang opisyal ng White House, bago ang inagurasyon ni Trump na ang mga kautusan ay bahagi ng mas malawak na agenda ng kanilang administrasyon na “restoring sanity.”
Binabalangkas ng mga opisyal ang pagkakasunud-sunod ng kasarian bilang isang panukala na “defending women from gender ideology extremism and restoring biological truth to the federal government.” (ZIA LUNA)