Fri. Nov 22nd, 2024
Vice President at Education Secretary Sara Duterte

WALANG parusang ipapataw sa isang guro na pinagalitan at nilait ang kanyang mga estudyante habang naka-live sa TikTok.

Sa isang panayam sa mga reporter sa Cambodia, sinabi ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na nabasa niya ang paliwanag ng guro kaya’t inutusan niya ang DepEd regional director na huwag siyang parusahan bagkus ay pagsabihan lamang na itigil muna pansamantala ang klase kapag siya’y galit.

“Ang una ko naging reaction is tao lang iyong teacher. Lahat tayo umaabot sa punto na nagagalit tayo, lalo ‘pag nafu-frustrate tayo. This is especially true sa mga teachers dahil ang teachers natin hindi lang isa na tao ang kausap nila. Ang isang klase ay merong from 25 to 45, sometimes 55 students,” sabi ni Duterte.

“Nakita ko iyong explanation niya, and then sinabihan ko ang regional office natin na there will be no penalties for the teacher. Just to remind the teacher that if she is angry, she has to pause. Itigil muna iyong klase. And when she’s not angry anymore, saka siya magklase ulit. There’s a need to pause pag galit iyong teacher. Iyon lang ang sinabi ko na i-remind sa teacher,” dagdag niya.

Dumalo si Duterte sa pagtitipon ng Southeast Asian Ministers of Education Organization (SEAMEO) sa Cambodia bilang pangulo nito.

Nauna rito’y nag-isyu ng show cause order ang DepEd sa guro upang ipaliwanag niya ang inasal sa viral video.

Sa video ay nakita ang guro na sinabihan ang kanyang mga estudyante, “Hindi ako nag-board exam para lang hindi irespeto ng mga katulad niyong wala pa namang nararating sa buhay. Hindi na nga kayo matalino, sama pa ng ugali ninyo.”

Alinsunod sa child protection policy na inilabas ng DepEd noong 2012, “any act by deeds or words that debases, degrades, or demeans the intrinsic worth and dignity of a child as a human being” ay itinuturing na child abuse. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *