Fri. Sep 20th, 2024
Dating Sen. Antonio Trillanes IV

BINATIKOS ni dating Sen. Antonio Trillanes IV ang pag-alok ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa kanyang sarili na esklusibong magbigay ng seguridad kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy kapag nagpasya itong sumuko sa Senado.

Ayon kay Trillanes, ibinoto ang mga senador para bigyan proteksyon ang mahihina at walang kapangyarihan, at maging boses ng mga inaapi taliwas sa pagboluntaryo ni Dela Rosa na maging esklusibong sekyu ni Quiboloy.

“Senators are elected to be protectors of the weak and powerless and be the voice of the voiceless. Itong mga alagad ni duterte talagang wala sa ayos,” ani Trillanes sa kanyang paskil sa Facebook

Sinabi ni Dela Rosa na handa siyang iharang ang kanyang sarili para lamang mataiyak na ligtas si Quiboloy.

“Kung gusto niya, ako ang mag-security sa kanya. Kahit na one-man security ako, haharangin ko lahat ng mga threat sa buhay niya,” pahayag ni Dela Rosa. (NINO ACLAN)

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *